(I am at the moment saddled with work and will not be able to write anything new. Upon the suggestion of Mike Palacios, I will, from time to time, be reprinting some of the stuff I’ve written for different magazines and books. At least there will be something new to read for people who visit my blog. I hope you enjoy this one).
Modern Day Beatitudes
Blessed are the strange, the weird, the people we laugh at, those who do not fit our mold, especially the socially wretched and despised. By their presence in our lives, they expand our reality—on our part, reluctantly and on theirs, so painfully—by forcing us to look at them in the hope that we see the God in them.
Blessed are the depressed and the addicted for they are called upon to demonstrate the healing miracles of God through their own awakening.
Blessed are the broken, those who fail, those who fall below our expectations for they are asked to show the rest of us that not being perfect is part of the human condition—that accepting our imperfection is the first step in our realization of the divine perfection of all that is.
Blessed are the nameless, the faceless the dispossessed—the refugees, the homeless and the poor for they point us to the way to compassion. By their sheer numbers, they tell us that ultimately, the experience of compassion is inescapable.
Blessed are the cruel, the calloused and uncaring, for on some deep unconscious level, they choose to delay their own liberation so that others may be ‘enlightened’ by their example.
Blessed are those who arouse us to anger, who bring out the worst in us, for they force us out of the denial that we harbor within—that we are hooked on them, that they resonate with something hidden inside us, and to break free, we must let go of our misguided moral superiority.
Blessed are those who cause us to suffer repeatedly by their mistakes, for they are our tutors who spend valuable time so that we learn our lessons well.
Blessed are those who do not seem to have a life, and especially those who do not have a choice—those who are physically debilitated, paralyzed or in a coma and cannot move, for they bring us a message that is lost in this age of frenzy—that to be worthy of God’s love, we need not strive to do or achieve anything, but simply be.
Blessed are all of us, for whatever condition we find ourselves in, we can choose to remember our true nature, our original blessing, our timeless
grace—anytime, any place, and always—and be happy in our Oneness.
(Lifted from ‘Between Blinks–More Random Takes on Everything’, by Jim Paredes , Anvil Publishing Inc., 2000 and updated October 2002)
https://medium.com/@marcguerrero/beatitudes-by-jim-paredes-2f4983162b9
‘Beatitudes’ ni Jim Paredes
unang inspirasyon ng Pagmamahalaga
Pinagpala ang mga naiiba, ang katakataka, ang mga taong pinagtatawanan natin, iyong hindi nabibilang sa ating uri, lalo na iyong mga baliw at itinatakwil na salot ng lipunan. Nariyan sila upang palawakin ang mga katotohanan sa ating buhay, kahit na hindi natin matanggap, kahit na napakasakit ito para sa kanila, nang sa gayon ay mapilitan tayong bigyan sila ng kaukulang pansin sa pag-asang makikita natin ang Diyos sa kanila.
Pinagpala ang mga walang ganang mabuhay at mga sugapa, sila ay tinatawag upang maipakita ang nakapagpapagaling na mga milagro ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang paggising na muli.
Pinagpala ang mga wasak sa pagkabayubay, iyong mga bigo, iyong mga hindi nakatutugon sa ating nasa, dahil hinihingi sa kanilang maipakita sa ating lahat na likas sa kalagayan ng tao ang hindi maging perpekto, na ang pagtanggap sa ating imperpeksyon ang unang hakbang sa pagpapatunay nating ang Lumikha at lahat ng kanyang lalang ang siyang tanging perpekto sa sanlibutan.
Pinagpala ang malulupit, ang matitigas ang puso at walang pakialam sa mundo, dahil sa kaibuturan ng kanilang ulirat, pinili nilang ipagpaliban ang kanilang paglaya, upang ang iba’y maliwanagan sa kanilang halimbawa.
Pinagpala ang mga taong sa kanilang paulit-ulit na pagkakamali’y nagdudulot sa atin ng ibayong pagtitiis, dahil nagsisilbi silang mga guro natin na naghahandog sa atin ng mahalaga nilang oras upang matutuhan natin ang mga aral ng buhay.
Pinagpala ang mga walang sariling pangalan, ang walang sariling mukha, ang walang sariling pag-aari, ang walang sariling bansa, ang walang sariling tahanan at mga mahihirap, dahil itinuturo nila sa atin ang landas tungo sa kabutihang-loob. Sa dami ng bilang nilang tumatambad sa atin, ipinababatid nila sa ating lahat na sa kasukdulan, walang makaliligtas sa katotohanang pinakamasarap na karanasan ang maging mabuti ang loob.
Pinagpala ang mga taong hinahamon tayong magngitngit, iyong pinipilit tayong magalit hanggang sa tayo’y mamuhi, dahil pinupuwersa nila tayong ilabas ang kinikimkim na pagtatatwa sa ating sarili, na siyang bumabagabag sa atin, mistulang umaalingawngaw na sama ng loob na pilit nagpupumiglas palabas; at upang tayo’y makalaya, marapat at matuwid na hubdin natin ang kahangalan at pagkapalalong moral.
Pinagpala ang mga taong animo walang kabuhay-buhay, at lalo na iyong mga walang masulingan, iyong may mabibigat na kapansanan, paralisado, nasa coma o wala sa sarili, at hindi makagalaw, dahil inihahatid nila sa atin ang isang mensahe na naglahong parang bula sa panahon ng kaguluhan, silakbo at kalituhan, na upang maging karapatdapat tayo sa pag-ibig ng Diyos, hindi natin kailangang magpunyaging gawin ang anumang bagay kung para lang may makamtam, kundi simple tayong MAGING.
Pinagpala tayong lahat, kahit anupaman ang ating kalagayan at kinasasadlakan, dahil kaya nating piliing maalala ang ating tunay na kalikasan, ang ating kinapanganakang pagpapala, ang ating walang hanggang grasya o karangalan, sa anumang panahon, saanmang lugar at sa lahat ng pagkakataon, at para maging maligaya tayo sa ating sariling Kaisahan sa Kanya!
Isinalin ni Marc Guerrero noong 2003